SEGURIDAD SA LUPANG SINASAKA

Radio Veritas interview on the Zero Hunger Bill
September 10, 2019
Statement of the National Food Coalition On the First Congressional Committee Hearing on the Zero Hunger Bill
November 25, 2019

SEGURIDAD SA LUPANG SINASAKA

Magandang araw po sa ating lahat, sa ating mga kagalang-galang na mambabatas. Ako po si Ricky Dela Cruz, ang kinatawan ng mga magsasaka sa Gitnang Luzon.


SEGURIDAD SA LUPANG SINASAKA

Bilang kinatawan ng sector ng magsasaka, kami po ay nananawagan sa ating mga mahal na mambabatas, na kami ay tulungan na maipasa sa senado ang Zero Hunger Bill. Dahil po sa bill na ito nakikita namin ang liwanag para maproteksyunan ang aming mga karapatan sa aming mga lupang sinasaka.

Sa kasalukuyan pong kalagayan ng ating mga magsasaka ay halos wala ng lupang mataniman, laganap po kasi ang land conversion, kawalan ng kontrol sa pagpapatayo ng mga malalaking establisimyento, housing, shopping mall, dumpsite at marami pang iba.

Paano naman po ang taniman ng ating mga kawawang magsasaka? Kami pong mga magsasaka sana ay ang nagsu-supply ng kakainin ng ating mga kababayan, pero kami pa mismo sa aming hapag ang kapos at walang maipakain sa aming mga pamilya.

Sabi ng ating Gobyerno ang pag-angkat ng bigas ang solusyon para may maipakain tayo sa ating mga pamilya, pero bakit hanggang ngayon nagkakaroon pa rin ng krisis sa bigas?

 Ayon din sa datos ng DAR ay nasa mahigit 300,000 hectares na lamang ang nasa pagmamay-ari  pa ng mga panginoong may lupa, na marami nito ay nasa lalawigan ng Negros, pero ang katotohanan po nito ay nasa mahigit 1 milyong ektaryang lupain ang hindi pa naipapamahagi sa mga magsasaka ayon sa National Anti-Poverty Commission.

Kaya aming panawagan, ipasa ang Zero Hunger Bill para sa kapakanan naming mga magsasaka, mga katutubo, mga mangingisda, maralitang taga lungsod at iba pang mga nagugutom na mamamayang Pilipino. Maraming salamat po!!!

Ricardo Dela Cruz Jr.

Ricardo dela Cruz, representing peasant sector.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *